Songtexte.com Drucklogo

Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena Songtext
von Joey Ayala

Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena Songtext

Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
Anino n′ya'y tumatawid sa nanunuyong palayan
Tanging sagot sa sigaw n′ya ay katahimikan
At kaluskos ng hangin sa dahon

'Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan
Mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan
Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan
Ngunit, walang nakasaksi sa palayo n'yang lutang

′Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay
Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay


Nahihinog ang bunga ng mga mangga′t bayabas
Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
Iniiwan ang binhing umaasa

At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang
Subalit, ang lahat na ′to'y masasayang

′Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusuko
Naghahandog ng buhay sa karit at kamao

Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan
Nasaan ka at bakit ka nagtatago, taumbayan?
Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Joey Ayala

Quiz
Wer singt das Lied „Applause“?

Fans

»Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena« gefällt bisher niemandem.