Songtexte.com Drucklogo

Isang Araw Songtext
von Gloc‐9

Isang Araw Songtext

Biyernes ng umaga
Paggising ko, pasok sa ′skwela
Nalilito, may exam ngayon
Napipikon, 'di ko malaman kung sa′n ako lilingon
Para makakuha ng sagot
Kapag bumagsak, ako'y malalagot
Kay ermat, erpat, sipa, tadyak
Ilabas ang kodigo, baka makalusot

Sa teacher kong apat ang mata
Nakasalaming kasingkapal ng tabla
Palakad-lakad, lapad-lapad
Buti na lamang, ako nama'y nakapasa
Kung hindi, mapipilitan na naman akong ulitin
Ang lahat ng mga pangyayari
Katulad nang minsan, ako ay nagbiyahe
At nakilala ′tong malupit na babae


Sa may QC, pangalan ay Debbie
Nag-aabang s′ya ng taxi
Tinitigan ko s'ya nang mata sa mata
Sinabi kong "You look lonely
Do you wanna go somewhere?", plak
Nagkabituin ang aking paningin
Bumakat ang kanyang kamay sa ′king mukha
Pagkatapos akong sampalin

Pero ngumiti s'ya
May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba s′yang matawagan
Kaya binigay n'yang kanyang calling card sa ′kin
Na animo'y parang humahalik sa hangin
Kaso lang, napagkamalan kong calling card n'ya na ticket ng bus
Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice
Sinubukan kong hanapin sa may stop ng Sta. Cruz
At baka sakali na ang landas namin ay magkrus

Kaya pumasok ako sa isang eskinita
At tinanong ang kauna-unahan na nakita
Dahil baka sakaling kanyang nakikilala
Ang babaeng animo sa ′kin ay isang diwata
"Manong, nakikilala n′yo pa ba, sino ba 'yon?
Ano nga ba′ng pangalan n'ya, teka, Girlie ba ′yon?"
"Oo, kanina pa naghihintay sa 'yo doon
Lapitan mo, hayun, nakaupo sa may balon"


Eto ba s′ya? Bakit parang hindi yata ito?
Maganda s'ya kaya sige, napasubo ako
Teka lang, teka muna, ako'y litong-lito
Nangyayari lang ′to sa mga guniguni ko
Na para bang nagmamaneho ng isang bagong-bagong auto
Marami nang pera, nanalo pa sa lotto
Walang kumakalaban at lahat bumibilib
Hindi naghihintay, hindi naiinip

Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kuwento ko
Habang naglalakad ay nakasalubong ako
Ng hiphop na metal, punkistang bungal
Natapilok kaya na-shoot sa kanal
Tinulungan ko, kawawa naman kasi
′Di na n'ya makita, limang pisong pambili
Ng suka na gagamitin ng kanyang Inay
Para may sawsawan ang kanyang masibang Itay

"Salamat, ha, ang bait mo pala"
Pagdating sa kanila, ako′y agad ipinakilala
Sa kapatid na si Girlie at sa pinsang si Debbie
Gulong-gulo at ako ay hindi mapakali
Para bang ang lahat ng mata'y sa ′kin nakatingin
At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin
Kasi ba naman, parang walang malabong nangyari
Sa 'min nitong mga kaharap kong panalong babae

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Gloc‐9

Quiz
Wer ist gemeint mit „The King of Pop“?

Fans

»Isang Araw« gefällt bisher niemandem.