Songtexte.com Drucklogo

Gaano Kadalas Ang Minsan Songtext
von Christian Bautista

Gaano Kadalas Ang Minsan Songtext

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang hanggan
Dahil sa labi ko′y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa ′kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga′y magwakas
Pagkukunwari′y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasindalas


Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa ′kin, para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Ga′no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?

Dahil ang pag-ibig, kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga′y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
Minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasindalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa ′kin, para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso′y namamatay?
Ga'no kadalas, ga′no kadalas ang minsan?

Ga'no kadalas, ga′no kadalas ang minsan?

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Christian Bautista

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Gaano Kadalas Ang Minsan« gefällt bisher niemandem.