Songtexte.com Drucklogo

Pasan Songtext
von Callalily

Pasan Songtext

Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Pinagmasdan ang alon na humahampas sa nakaraan
Umihip ang hangin, sa langit, ako′y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating

Bakit ka lumuluha? Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika'y iniwan na?

Hindi, pasan kita, hindi mo ba nakikita?
Hindi ka na sa akin ay luluha pa


Nasa′n na ang tapang at lakas ng 'yong loob?
Ngayo'y karuwagan na lang ba ang iyong sagot?
Umihip ang hangin, sa langit, ako′y napatingin
Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating

Bakit ka lumuluha? Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika′y iniwan na?

Hindi, pasan kita, hindi mo ba nakikita?
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Hindi ko naman hangad ang anomang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang ay yakapin mo

At ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa
Ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita
Hindi ka na sa akin ay luluha pa

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Callalily

Quiz
Wer ist auf der Suche nach seinem Vater?

Fans

»Pasan« gefällt bisher niemandem.