Songtexte.com Drucklogo

Kapangyarihan Songtext
von Ben&Ben

Kapangyarihan Songtext

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

′Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
'Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan

Huwag niyong tapakan ang katarungan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

′Di ba dapat ikaw ang nagsisilbi sa 'min?
Bakit tila kami'y nananaginip nang gising?
Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata n′yo′y mamulat


Magising sa sigaw na sumasalamin
Sa sumpa n'yong magsilbi sa amin
Tuluyang nawalan ng bisa

Ba′t sinaulo't ′di sinapuso bilang ng buhay ng tao?
Kayong mga hari-harian, pagkalaki na ng mga ulo
'Wag n′yong kalilimutan na hawak-hawak namin ang inyong trono
Nadidinig n'yo pa ba 'ko? Pangako′y napako dahil sa korona sa ulo n′yo

'Di na magpapaalipin pa sa mga rehas mo
′Di mabubuwag ng kahit anumang sindak ang katotohanang 'to
Ibon na malayang lumipad
′Di mo na makukulong

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat


Katotohanan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
Makatarungan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
Sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Ben&Ben

Quiz
„Grenade“ ist von welchem Künstler?

Fans

»Kapangyarihan« gefällt bisher niemandem.