Songtexte.com Drucklogo

Oras (Remastered) Songtext
von Munimuni

Oras (Remastered) Songtext

Sa piling ng mga ulap na tila dagat
At talahib na tila batang makulit
Ika′y napatanong sa sarili
Hinahabol mo ba ang umaga
O ang umaga'ng humahabol sa ′yo?

Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat

Sa ilalim ng karagatang ulap
May ilog na tahimik na dumadaloy
Nasubukan niya na bang magtanong?
May patutunguhan ba tayo?
Puwede bang itigil na muna ang pag-alon?


Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat

Ang daloy ng panahon, ang daloy ng panahon
Ang ikot ng mundo, ang ikot ng mundo

Wala sa iyong kamay ang klima ng buhay
Akyat-baba ng alon sa pagdaloy ng panahon

Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat
Oras, oras
Patuloy lang, patuloy lang ang lahat

Ang daloy ng panahon, ang daloy ng panahon
Ang ikot ng mundo, ang ikot ng mundo

Oh-oh-oh-oh-oh, ooh
Oh-ooh, whoa-oh-oh

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Munimuni

Quiz
Welche Band singt das Lied „Das Beste“?

Fans

»Oras (Remastered)« gefällt bisher niemandem.