Songtexte.com Drucklogo

Mga Kababayan - Extended Version Songtext
von Francis M

Mga Kababayan - Extended Version Songtext

M-M-Mga kababayan

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi

Dapat magsumikap at nang tayo′y 'di maghirap
Ang trabaho mo pagbutihin mo
Dahil 'pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo ay kaya n′ya
At kaya nating dalawa


Magaling ang atin
′Yan ang laging iisipin
Pag-asenso mararating
Kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
'Wag kang malunod
Umahon ka, ′wag lumubog
'Pagka′t ginhawa naman ang susunod

Iwasan mo ang inggit
Ang sa iba'y ibig mong makamit
Dapat nga ika′y matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig kong ipabatid
Na lahat tayo ay kapit bisig

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi


Respetuhin natin ang ating ina
Ilaw siya ng tahanan
Bigyang galang ang ama
At ang payo n′ya ang susundan
At sa magkakapatid
Kailangan ay magmahalan
Dapat lang ay pag-usapan ang hindi nauunawaan

′Wag takasan ang pagkukulang
Kasalanan ay panagutan
Magmalinis ay iwasan
Nakakainis marumi rin naman

Ang magkaaway ipagbati
Gumitna ka at 'wag kumampi
Lahat tayo′y magkakapatid
Anong mang mali ay ituwid
Magdasal sa Diyos Maykapal
Maging banal at 'wag hangal
Itong tula ay alay ko
Sa bayan ko at sa buong mundo

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi

Dapat magsumikap at nang tayo′y 'di maghirap
Trabaho mo pagbutihin mo
Dahil 'pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo, kaya n′ya
At kaya nating dalawa

Magaling ang atin
′Yan ang laging iisipin
Pag-asenso mararating
Kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
'Wag kang malunod
Umahon ka, ′wag lumubog
Ginhawa naman ang susunod

Iwasan mo ang pag-inggit
Ang sa iba'y ibig mong makamit
Dapat nga ika′y matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig kong ipabatid
Na lahat tayo ay kapit bisig

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang ′yong minimithi

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n'yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino

Kung may itim o may puti
Meron namang kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yong minimithi

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman n′yo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay...

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Francis M

Fans

»Mga Kababayan - Extended Version« gefällt bisher niemandem.